Dark Tumblr Themes
hindi mo lang alam…
Peksman, Mamatay man Nanay Mo (Kai . Pajutagana)

"Kung kailan ok ka na, siya naman ang hindi.” Nabasa ko sa mga pakulo ng mga papeymuth sa fb.! Oo problemado ako sa kanila. Mas okay na kasi na sila na lang ang problemahin ko kaysa sa lablayp ko o ng nanay ko na nakatatlong palit na ng boyprend ngayong buwan. Syet, akalain mong sinusulat ko ‘to ngayon? Kapag wasak talaga ang tao, biglang nagkakautak. Come on men ako ‘to si Dex. Si Dex na hari ng pisonet at ng mga tambay sa tindahan ni bebang. Okay sige, kailangan ko kasi mailabas ‘to. Ang hirap pala ng ganito, wala akong mapagsabihan. Kapag sinabi ko ‘to sa mga kaibigan ko paniguradong isang libo’t kalahating asar ang matatanggap ko. Kapag sinabi ko naman ‘to sa mga tao rito sa bahay lalo na sa nanay ko, malamang iisipin nun na baka nakashabu ako, Palibhasa hindi ko naman sila nakakausap patungkol sa mga ganitong problema. Nag-uusap lang kami sa bahay kapag naniningil na ng renta si Aling Cora. Yung tipong isa-isa kaming bulyaw sa kung sino mang trip naming sisihin kung bakit mahirap lang kami at walang pambayad sa renta.

Balik tayo sa pinagdadaanan ko. Yun nga, kaya ko ‘to sinusulat ay dahil hindi kaya ng ibang bagay na tanggapin ‘tong korni kong pagdradrama dahil hindi ako gusto ng gusto ko dahil may gusto siyang iba kahit na ang gusto niya ay iba rin naman ang gusto. Magulo! Kainis.

Nakilala ko si Tenay sa kwek-kwekan  mga limang metro ang layo sa tapat ng school namin. Hindi yun chix! Sakto lang para sa poging katulad ko. Ang totoo niyang pangalan ay Christina Ramos. Anak siya ng isang kagawad. Sa lahat ng mga naging syota ko, si Tenay ang natatanging sineryoso ko. Guwapo ko kasi. Pero hindi ako umubra sa kanya…